Martes, Setyembre 2, 2014

Thoughts about working

Simula ng naka graduate ako ng kolehiyo nitong nakaraang Mayo, isyu na sa akin ang pagta-trabaho. Maraming factors na dapat i-consider sa bagong chapter ng buhay kong ito.

FYI, employed po ako. Technically, this is my second job since nung nakagraduate ako. Opo. Tama ang hinala mo. Nag resign ako sa una kong trabaho at mag-iisang linggo palang ako sa trabaho ko ngayon.

Anak ng pating! Ang dami kong iniisip tungkol sa buhay. Teka ah, ililista ko yung mga tanong ko:

1. Bakit kailangan kong magtrabaho?

Sagot: Kasi hindi ako anak ni Bill Gates o ni MVP para tumambay sa bahay, gumimik at i-post sa facebook ang lahat ng ginagawa ko sa buhay ko. Kasi hindi kaya ng budhi ko na pagkatapos akong pag-aralin ng akin mga mahal na magulang sa loob ng sampung taon ay susuklian ko sila ng "Mommy, Daddy.. Pwede po bang wag muna akong mag trabaho. Kailangan ko po munang hanapin ang sarili ko at malaman kung ano po ba talaga ang gusto kong trabaho. Pwede po ba?". Syempre hindi!

So bakit ko kailangan magtrabaho? Para sa sarili ko? Para sa pamilya ko? Para sa ikauunlad ng bansang Pilipinas? Para kanino?

Bakit kailangan? Simple lang, kasi habang tumatanda ang tao merong mga needs na kailangan ma-meet. Ang pagta-trabaho ay parte ng sirkulo ng buhay, isang sistema sa mundong ito. Pwede naman wag magtrabaho, kung gusto mong tumambay lang at magbilang ng poste. Push mo yan!
Kung meron man akong kinakausap sa  blog na ito, iyon ay ang sarili ko. Kung may kalaban at tinutuligsa man ako, iyon ay ang sarili ko. Kung may gusto man akong ma-overcome sa mga sandaling ito, iyon ay ang sarili ko.

2. Bakit ganito yung trabaho ko?

Isa lang ang tiyak ko kung bakit ako napunta sa isang starting company for the second time around, plano ito ng Diyos. Kani-kanina lang, parang gusto kong maghanap ng lilipatang trabaho. Di dahil mahirap ang trabaho na ito. Maybe, dahil unstable pa tong trabaho ko kaya parang habang maaga pa gusto ko nang umalis. Parang yung una kong trabaho. Pangatlong araw palang gusto ko na agad mag quit. Pero hinid naman ako nag apply sa ibang company.

Gaya ng una kong trabaho, may kakilala nanaman ako sa new job ko. Yung nga lang, ayaw kong umalis sa trabaho ko ngayon. Ang laki na kasi ng investment ng nanay ko sa akin. Pag nag quit ako dito, patay na talaga ako. I should embrace this job and the life that I have now.

Maybe I should stop questioning things and these circumstances. I should start to kick my ass and wake up and accept things na ganto talaga eh. Kailagan kong magtrabaho whether I like it or not.

3. Ang hirap mag-isa sa office at ang hirap maging independent.

Tama nga ang dati kong boss. Nakatira pa rin ako sa aking comfort zone. Wala ngang growth sa loob ng comfort zone. So, para magkaroon ng growth, kailangan ng challenge.

Nagtataka lang ako dahil simula ng iwanan ko ang college life, nawalan na din ako ng gana na ma-challenge. Oh no!!! Ang gusto ba ng katawan ko ay easy life ahead. Pero hindi eh! Hindi pwede yung ganun. I need challenge to help me become a better person. Kaya ako dinala ng Lord sa ganitong company.


4. Kasing gulo ng isip ko ang sistema ng kumpanya.

Di sa naninira ako ah. Pero magulo pa sa ngayon dahil nag uumpisa pa nga. Eh di pa naman ako magaling sa pag-o-organize pero kaya ko naman syempre. Di ko naman kailangan maging magaling eh, kailangan ko lang gawin.


5. Kapaan galore!

Di naman ako bulag, pero seryoso nangangapa ako sa mga bagay bagay. Di ako sanay na papasok sa opisina at ilang oras tatambay bago kumilos sa trabaho. Nasanay ako sa previous job ko na pampered agad ng trabaho simula ng pagbukas mo ng PC. Sandamakmak na email ang kailangan mong reply-an at sandamakmak na client ang dapat tawagan.

Di ko pa ma experience yun sa mga oras na to dahil di pa nga stable.


What to do?

1. Set my mind. Renew my mindset.
God promised me PROGRESS in my career. I need to break my three months routine. Gusto ko ng matagalang experience sa trabaho.

2. I must be proactive.

Less FB. Less Twitter. More email. More convo with my superiors.


3. I must be firm in making decisions.

Nagfa-falter kasi puso ko, kaya pati decision ko bumibigay na din.
Kilala ko pala sarili ko. Now that I know these things, I must overcome.

Ganto nalang, para hindi kainin ang mga sasabihin ko, I'd rather do it than saying it.
Less talk. More work.

4. Say hello to the new you!

Talagang ini-stretch ako ng panahon. Para bang baby na kailangan agad mag mature. Grabe yung required growth ng buhay. Hindi ako dinadahan-dahan, pero part ng process.

Ilang months from now, mukhang hindi na talaga ako yung dating Eunice. RIP self.


5. Hello God.

Jesus, I surrender everything in your hands. I knew this would be tough. I was overwhelmed with your promises to me. But I will hold on to it. Jesus, I will not ask you to make things easy for me, but right now I am asking you to make my heart strong and my mind firm for whatever plans you have for me. I want to give you Glory and if it cost me my life to give it to you, please take it. It could be painful, but surely, it will not last for a lifetime. You are eternal and these are temporary.

There is no place I'd rather be than in your presence.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento