Miyerkules, Oktubre 29, 2014

Pwede na po ba?

"Pwede na po ba?"

Tanong ng bata sa tatay nya. Sumagot ang tatay nya,

"Ija, hindi pa. Bata ka pa. Pag malaki ka na pwede na. Papayagan na kita."

Nagdabog yung bata at umiyak sa sulok. Hindi kasi nakuha ang gusto.

"Daddy? Pwede po ba ako mag overnight sa bahay ng classmate ko? Gagawa po kasi kami ng project sa school?"

Tanong ng first year high school student sa tatay nya. Sumagot naman ang tatay ng ganito:

"Di nyo ba kayang tapusin ng isang buong araw iyan at kailangan nyo pang mag overnight?"

Tumahimik ang anak at umalis nalang habang nangingilid ang luha.

"Dad? May field trip po kami. Malapit lang. Gusto ko pong sumama. Mag iipon po ako para di na po kayo ang magbabayad. Requirement din po namin ito. Tsaka katabi ko po yung bestfriend kong babae. Pramis mag iingat po ako!"

Excited at masayang tono ang paalam ng anak na babae sa kanyang tatay.

"Anak, di mo ba napapanood ang mga balita sa TV? Madaming napapahamak sa field trip."

Sumagot ang anak, "Bakit lagi nyo nalang akong pinagbabawalan? Bakit ba hindi nyo ako pinapayagan? Di naman ako mapapaano eh! Mag iingat naman po ako eh!"

Sumagot ang tatay ng ganto, "Sige, pag pumayag ang Mommy mo. Mag uusap kami."

Matapos silang mag-usap, nagtanong ulit ang anak, "Ma, Pa....pwede na po ba akong mag boyfriend?"

*end of convo* hulaan nyo anong nangyari... hehe :)
-------------------------------------------------------------------------------------------------

Iilan lamang iyan sa mga naaalala kong convo namin ng Tatay ko sa tuwing nagpapaalam ako sa kanya tungkol sa mga lakad ko. Madaming beses na akong na-reject sa mga pagpapaalam, madaming fail attempts. Ilang beses din akong nag drama para makakuha ng konting awa, yung tipong may luha para mas effective.  Madaming beses din akong nag pa-good shot para payagan. Ilang beses ko din hinilot ang ulo ng tatay ko, nagtimpla ng kape at naglinis ng kwarto para makuha ko ang matamis nilang Oo.

Kaya lang, hindi sa lahat ng pagkakataon pinapayagan ako. Kadalasan yung mga major pang lakad ang hindi nabibigyan ng approval. Yung mga gustong gusto ko na hindi napapasa akin. Alam mo, hindi ka nag-iisa! Hindi lang ikaw ang nagsabi ng mga katagang, "sorry strict ang parents ko" dahil madami tayo. Sige nga subukan natin kung kabilang ka sa mga SSAPK group. Alamin natin if we're on the same page:


  • Naalala mo nung nagpaalam kang gagawa ng project sa school pero ang totoo ay gagala kayo?
  • Eh nung Christmas party na hanggang 10am lang talaga pero ang paalam mo ay hanggang 8pm ng gabi kasi maglilinis pa kayo pagkatapos ng party Ano bawat building ng school nyo nilinis mo?! Aba'y masipag!) pero ang totoo gagala kayo sa mall at kasama mo ang crush mo.
  • Eto pa! Naalala mo nung bago palang mag pasukan, iniisip mo na agad yung field trip at kinokontra na si Mama para siya ang magpapaalam para sayo sa Tatay mo? Yung tipong, mag pa-pramis kang mag ipon ng pera para less sa gastos ng pamilya.
  • Eh yung nag paalam kang manghihiram lang ng notes ng classmate mo pero ang totoo ay pumunta ka dahil makiki-birthday ka at nandoon ang crush mo!
  • How about nung may nanliligaw sayo o nung may nililigawan ka tapos hindi ka pa nagtatanong eh alam mo na agad ang sagot ng magulang mo, STUDY FIRST ANAK!
  • Naisip mong magrebelde dahil sa sobrang higpit nila! Ginawa mo lahat ng ayaw nila.
  • Naisip mong kaya nila ginagawa yun ay dahil mahal ka nila. (congratulations you're getting better at nag mamature ka!)
Di yan official checklist. Pero kung may naiisip ka pa, comment mo lang sa baba.

Grabe ang dami dami mong kalokohan para lang payagan ka nila at ma explore ang mga bagay bagay sa mundo. Samu't sari din ang emosyon na iyong nalikom sa mga pagpapaalam to gain approval mula sa iyong mga magulang. Kadalasan nga pag di ka pinapayagan, nag dadabog ka, nagmumukmok o kaya naman di namamansin at worst nag rerebelde.

Pero alam mo ba, na hindi habang buhay may Tatay o Nanay na magbabawal sayo? Dadating kasi yung oras at panahon na hindi mo na kailangan mag paalam pa at kusa na nilang ibibigay sa iyong ang freedom na inaasam mo. When that moment comes, you will eventually miss every moment of gaining approval from them. Mami-miss mo din ang PWEDE NA PO BA moments..

Don't worry kasi dadating din ang oras na iyon. Pero habang wala ka pa sa panahon na iyon, marapat lamang na basahin mo ang mga sumusunod:


  1. Understand your parents. Nasabi mo na bang "hindi kasi nila ako maintindihan eh! Pero ikaw, naintindihan mo ba sila? Malamang magkaiba kayo ng level of understanding at point of view. Pero try mo lang na sumilip sa perspective nila at baka maintindihan mo sila. Mahal mo ba sila? Ikaw kasi mahal ka nila. Kung hindi man sila expressive by words, mahahalata mo iyon sa kanilang kilos. Feeling mo lang hindi ka mahal, pero try mong i-confirm, ask them. "Mama? Papa? Mahal nyo po ba ako?" Nagawa mo na ba yun? Just to confirm lang naman. Magugulat ka sa reaction nila. Di ba pag mahal mo, iniintindi mo? Kung paano mo iniintindi ang takbo ng utak ng crush mo at best friends mo, ganun din ang gawin mo sa iyong mga magulang. Pag nangyari yun, baka maging best friends din kayo eventually!
  2. Learn to respect your parents' decision. Gusto mo bang i-respeto nila ang desisyon mo sa buhay? Pay respect to them first. Mahirap ito lalo na kung kagaya mo ako nakikipag debate sa magulang dahil pinaglalaban ko ang gusto ko sa buhay. Pero natutunan kong hindi pwedeng ipilit ang gusto ko. Mas malawak pa din ang experience ng mga magulang ko, and they know what they are doing. Mother knows best, ika nga nila. At syempre ang pinaka da best line ay, "papunta ka palang, pabalik na ako!" Wag ka nga lang mamimilosopo at sasagot ng "talaga po? bakit di tayo nagkita?" soplak ka talaga sa magulang mo!
  3. God gave them to you. Si Lord ang nagbigay sa iyo ng mga magulang mo ngayon. Ibig sabihin, pinakakatiwalaan sila ni Lord para palakihin ka ng maayos. Accountable sila kay God sa pagpapalaki sayo. Same way, pinagkatiwala din sa iyo ni God ang mga magulang mo. Love them and respect them. (Ephesians 6:1)
  4. Be honest to them. Tapusin mo na ang panahon na nagsisinungaling ka. If you want them to trust you, then trust them too. Pag naging transparent ka sa kanila, they will eventually give you their trust. Mahirap lang yan sa umpisa. Pero pag nasanay kang gawin ang tama, everything will fall into places.
  5. Be a friend. Kapag itinuri mo silang parang kaibigan, mawawala ang gap between you and your parents. Kadalasan kong nakikita to sa mag-ina. Parang kami ng mommy ko. Pag usapang love life at crush, alam na this! Kapag medyo seryosong usapan naman gaya ng desisyon sa buhay at pangarap, masarap kausap ang Daddy ko. Masarap kaibiganin ang iyong mga magulang! Mapagkakamalan pa kayong magkapatid, instead na mag nanay o mag tatay. Hehe.
  6. Ask their opinion. Kapag dumating yung oras na nagkakaintindihan na kayo, always seek for their opinion. Mahalagang nadidinig pa din natin ang kanilang boses bilang gabay sa ating buhay. Lalo kung love life iyan! Makipag usap ng masinsinan sa iyong Nanay at Tatay. Kung importanteng bahagi iyon ng iyong buhay, idamay mo sila.

Kung nasa season ka ng under protection ng iyong mga magulang, savor that moment! Gawin mo ang iyong role bilang anak. Respect their authority.
Kung nasa season ka naman ng freedom at may support from your parents sa bawat desisyon mo sa buhay, then be responsible.

Remember this:

"There is a time for everything, and a season for every activity under heaven."
                                                                                                -Ecclesiastes 3:1


2 komento:

  1. Hi Eunice,

    This so me and my parents.:) Everything you have written is true and correct. I can relate to all of it, though different scenario naman.

    Looking forward to more post like this.

    Kisses,
    Kate ♥

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Dearest Kashie,

      thank you so much for dropping by. I'm glad that you can relate somehow. Your comment means a lot to mean, it drives me to write more. Love you!

      Burahin