Miyerkules, Disyembre 3, 2014

Seen zoned atbp.

Bago ang lahat, pakinggan mo muna itong cool na kanta ni Yeng, seenzone.




Na seen zoned ka na ba? Yung nag message ka sa facebook pero wala kang natanggap na reply pero alam mong nabasa ng taong yun yung message mo. Seen zoned yun. Anong feeling?

Naging usap usapan sa online community ang seen zoned at iba pang mga terminology kapag walang response ang taong iyong kinakausap.

TOP 1: SEEN ZONED


This is the best reply ever, lalong lalo na kung urgent ang message mo and you demand for a quick response. Ouch lang at bad vibes level 100 pag na seenzoned ka.


TOP 2: INBOX ZONED



Salamat at walang "seen" na nare-receive ang nag send ng message na ito. November 12 pa yung last text nya at wala akong reply. Pero automatic na alam ng nag send nito na nabasa ko ang text. Yung nga lang, I choose not to reply. Ang saving grace mo dito ay: "wala kasi akong load."

Na inbox zoned ka na ba? O ikaw ang nang i-inbox zoned?


TOP 3: SILIP ZONED


Dahil ayaw mong masabihan na nangsi-seen zoned ka, may paraan para maiwasan ito. Ang tawag dito ay SILIP ZONED, alam mong may nag message sayo at sasadyain mong wag buksan ang message at pananatiliing unopen. Sa ganitong paraan hindi ka magmumukang nangsi-seenzoned. Bubuksan mo lang ito kapag handa ka nang magreply.



PERO TEKA! Bago tayo makaramdam na na-seenzoned tayo, inbox zoned o silip zoned, baka naman natin isipin kung ano ang pinagdadaanan ng mga taong hindi nakakapagreply at sadyang ayaw magreply.

1. BUSY SYA!

Sorry naman kasi. May buhay din yung tao at hindi lang facebook ang kaharap nya 24/7. If you want to reach the person, may Viber naman, Kakaotalk o We Chat para makipag communicate. At kung wala naman data services ang kausap mo, why not give them a call or sms para sure diba?
At ang pinaka best way to get their attention despite of their busy lifestyle, meet them in person and get a cup of tea or coffee. Para iwas sa pagmumukmok! :)

2. DI NYA ALAM ANG IRE-REPLY SAYO.

"Ano ang square root of 1234567890000000...?"

Pag ganyan ang tanong? Ay matik na yan, seen zoned na itu! Minsan kasi, di mo talaga alam kung ano isasagot mo eh. Mag iisip ka pa. Tip of advice, na ginagawa naman ng karamihan ngayon, mag reply ka nalang ng "HAHA" or "like sign."

Iwas seen zone na, nakapag reply ka pa. 

3. AYAW KA TALAGA NYA KAUSAP.

Ouch baby! Ito ang masaklap na reason. Pag confirmed na ayaw ka nyang kausapin, give them space. Then, set a date to meet them and talk to them.





0 comments:

Mag-post ng isang Komento