Miyerkules, Pebrero 4, 2015

Oo February na.

February.


Oo February na, Chinese New year kaya uso nanaman ang Kung Hei Fat Choi, Tikoy at discount coupon sa Mcdonalds. Oo February na, kaya may magra-rally nanaman sa EDSA at maggugunita ng people's power revolution. Samu't saring commercial sa TV tungkol kay Ninoy Aquino at  yellow ang theme para sa katapusan ng buwan. Oo February na at syempre ang pinaka sentro talaga ng buwan na ito ay ang mga kupidong naka red, may dalang bulaklak at tsokolate. Nagkalat ang mga bitter posts sa facebook at twitter. Ine-expect ko na ang flood IG posts na may flowers, chocolates, holding hands and couples na kumakain sa restaurant with a #happyvalentinesday.



Ngunit higit sa mga ito, especial ang February sa akin. Ito kasi ang birth month ko. Nakakaaliw kasi madaming bitter at sweet, madaming pagkain dahil chinese new year at historical din dahil sa EDSA. Nakakabless dahil ito ang buwan kung saan pinili ng Diyos na itakda ang buhay ni Eunice Arpet Mijares Punzalan. Sino ba ako sa mata ng mundo? Malamang ordinaryong babae lang. Pero sa mata ng Diyos na pinaglilingkuran ako, precious, beloved, worth dying for si Eunice. Amazing 'di ba?!

Oo February na at masaya ako. :)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento