Miyerkules, Abril 22, 2015

Give thanks to people! (Part 2: Area 5 Leaders)

Hindi pa naman ako mamamatay! Pero gusto ko lang talaga mag appreciate ng mga tao sa buhay ko.

"Never take a person for granted, hold every person close to your heart cause you might wake up one day and realize that you've lost diamond while you were too busy collecting stones" - Anonymous





To Jim Christopher Sauco.


Konti nalang ang specie mo kuya! Last of your kind ka na nga ata, pero don't take this wrong! I mean this in a good way. I can still vividly remember the very first time I met you. Meeting natin nun sa GSAG. Professional ang itsura mo at kamukhang kamukha mo ang professor ko. Alam kong may something great sa iyo pero hindi ko pa alam yun nun. I know you are someone whom I can count on. Kuya, you speak wisdom and life to people. God used you to break the thick glass of mentoring mentality in me. Akala ko kasi selected and few people lang ang pwedeng gamitin ng Diyos para magturo sa akin. God transformed and made a reformation in my heart and mind. You can mentor and the best thing you taught me is love and appreciation. Ang term na loving atmosphere ay katumbas ng mukha mo. Hehe. Kasi every time na nadidinig o sasabihin ko ito, ikaw ang naalala ko dahil ikaw ang nagturo sa  akin nito.

Gusto lang kitang i-appreciate, gusto ko lang ipaalam sayo kung gaano ka nagiging pagpapala sa buhay ng ibang tao. You touched me deeply kuya. Maraming salamat! I love you from the bottom of my hypothalamus. :)


To Dan Altuveros,


It really takes one to know one. At hindi ako nagkamali ng pagpili ng sasamahan. Sabi nga sa Bible, "bad company corrupts good character", well hindi ka bad company! Hahaha. May masabi lang. Kidding aside, you are one of the best men I know in my life. You are brave and strong, an over comer of every circumstances. You overlook and overcome the situation. It's juts amazing how you divert a negative situation in to something beautiful... na all things work together for good and it's not an accident that either good or bad things happened. Gasgas na kasi sa akin dati yung mga salitang "di to aksidente" but you made a strong impact to me when you're saying those words and it changes my perspective again. This time di ko lang sasabihin ang mga salitang "di ito aksidente" kasi this time I will truly mean it and believe in it.

Pang MMK man ang buhay mo, kasing saya naman ng Eat Bulaga ang araw kapag kasama ka, puro tawa! I admire your work ethics and you passion towards the ministry. Ang galing lang kasi talaga ni Lord sa buhay mo. Sa bawat ginagawa mo ay kwento ng pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos. Salamat sa pag inspire mo sa aming lahat ng buhay mo. Pagpalain ka. At nawa sa takdang panahon, makilala mo na ang Ruth ng buhay mo. Ayiiiii Hahahah! ;)

P.S., pasado ka na sa LET exam. In Jesus name.




To Claudette Abrigo,

Hey passionate woman of God! I want to appreciate you, girl! Amazing ka in every single way. Kapag nagta-trabaho ka binubuhos mo talaga ang lahat. Napakabuti ng Diyos sa buhay mo. Naalala ko nung una tayong nag meet sa church, medyo tahimik ka pa. Akala ko nga bata ka pa e. (Naks!) Pero inside that small body frame is a giant strong and courageous woman of God. Palaban pero may pusong mapagpatawad at malawak na pang-unawa. Alam kong ie-extend ng Diyos ang ministry mo at maraming tao ang mabe-bless sa buhay mo. I love you Claw kahit slow ka. Hehehe. :)





To Louise Aquino,

Una sa lahat, bakit di ka na namin nakakasama? Miss ka na namin kaya magparamdam ka. Alam mo ba, isa ka sa mga kokonting mga taong pumansin sa akin. Hindi kasi lahat ng tao gusto yung presensya ko, lalo't unang kakakilala lang nila sa akin. You made a strong impression sa akin, negative actually. Kasi naman lahat ata ng unang taong gustong maging kaibigan ko ay tinataboy ko. Pero salamat kasi di mo ako sinukuan. (medyo madrama lang e no!) Yung negative impression ko sa iyo kinain ko sa bandang huli. Nakita kong you are a man of integrity! A man of God!

Nakita ko sa inyo ni Kuya Jim ang accountability at pure love and acceptance. Kayo ay buhay na patotoo ng GRACE! Salamat Louise ah! Gusto lang din kitang i-encourage gaya ng ginawa mo sa akin. Wag kang maniniwala na hindi ka magaling, kasi magaling ka at natatangi ka! Magtiwala ka sa Diyos at sa sarili mo. Thank you so much ha! :)



To Tropang ALAG (Mar, Zig, Rigel)

Anointed worship team? Kayo yun! Mar, ang laki ng puso mo para sa mga youth at sa ministry. Keep the fire burning for Jesus kahit anong pagsubok ang mangyari. God is great sa buhay mo.

Zig & Rigel, take care of one another. Love your Mom and continually serve the Lord saan man kayo mag punta. I appreciate you both!


To Jaycee Lozande,

Dude, mahal ka ni Jesus at mahal ka din ng team. Sa kabila ng mga pinagdadaanan mo I am thankful sa buhay mo. Finish the race kapatid. God bless!



To John Christian Verdejo,


Small but terrible ka! Thank you sa lahat ng effort mo for God's Kingdom. Blessing ka sa team. Ang laki ng puso mo sa lost souls and sobrang hanga ako sa perseverance mo sa kabila ng mga pagsubok. Ang mga tulad mo ang kailangan

ng mga churches ngayon. Keep the faith. I am blessed and humbled na pinagkakatiwalaan mo ako ng mga heartache mo sa ministry. Thank you for allowing me to be a channel of blessing in your life. God bless you JC! Let's more memories with the team. ;)




To Christa & Eman (Zionista),

Si Christa muna. Hehe. You are one of the sweetest girl na nakilala ko. I want to spend more time with you and establish a strong bond with you. 
Sabi nga sa nabasa ko kanina, ang relationship daw in all context ay intentional. Kaya bulgaran ko nang sinasabi sayong, I want to build a relationship with you. Wala akong sister e. Hehehe. Si Eman naman. Dude, you are cool. Keep on serving the Lord. Nakakatuwa kayong kasama and I hope that we can work together longer. God bless your ministries.







To Ate Ericka (Ecars, BCA),

Ate Ekars, your presence is something special. It draws me near to you, Ate. I found a sweet Ate in you. Parehas kayo ng presensya ni Kuya Jim. Someone that I could rely on. Dahil nga wala akong kapatid na babae, salamat po kasi I see you as my big sister. I pray that we could spend more time together. :) 
Accountability is the word Ate. Thank you so much. Kahit kakakilala ko lang sayo, I feel like we're friends for a long time. Ate, kwentuhan tayo please. Hehehe. Salamat po Ate. Love you! :)

To Pastor Mark Reyes,

Thank you po Pastor for heading this team. Di man po namin kayo madalas kasama, salamat po sa support niyo. We're praying for you po. God bless!



Maraming salamat po sa inyong lahat. Blessing po kayo sa ministry at sa buhay ko. Pasensya na sa dramang ito. Hehehe. I appreciate you all. <3


LOVING YOU ALL,
Eunice Punzalan

0 comments:

Mag-post ng isang Komento