Miyerkules, Hunyo 24, 2015

Ang pagbukas ng bagong pinto

Di ko lubos maisip na papatusin ko din ang buhay ng freelancer. Gumawa ako dati ng accounts sa Odesk at Freelancer.com para makakuha ng international clients pero tamad ako at ayokong mag effort magpaganda ng online portfolio. Sabi ko sa sarili ko may stable job na naman ako at di ko na kelangan nun.

Noong February, hinikayat ako ng isang kaibigang freelancer na mag sulat ng technical product description para sa client nya. Ipinasa nya sa akin para meron daw akong extra income. Wala naman mawawala sa akin kaya pinatos ko na din yun. Sa loob ng tatlong araw na pag susulat malaking bagay yung kinita ko mula doon.

Ngayon, may pintong nagbukas. Hindi ko ito plano. Nagulat nalang ako nang biglang ni-recommend yung pangalan ko para magsulat muli. Nakakatuwang isipin na sa simpleng pagsulat at pag google, kikita ka. Nakakamangha ang pabor ng Diyos, dahil alam kong hindi ko ito kayang gawin sa sariling lakas lang. Alam kong madami pa akong dapat matutunan sa pagsulat. Di lang siguro halata pero maliit ang tiwala ko sa sarili ko at sa kaya kong gawin. Alam yun ng mga taong nakakatrabaho ko. Minsan nga mismong ako ang nagke-question sa aking abilidad. Yung pakiramdam na everything you do is not enough and you have to exert more. TOTOONG MAHIGPIT ANG COMPETITION SA MUNDO KAYA NAMAN NAHAWA AKO. NAKIPAGKUMPITENSYA AKO SA PALIGID AT MAGING SA SARILI KO. Akala ko magiging healthy yun para sa akin, hindi pala. Dahil dito mas lalong bumaba ang tingin ko na kaya kong gawin.


Hanggang sa ipinaintindi sa akin ng Diyos ang value ko sa paningin nya. I don't have to prove anything, because I'm already proven through Jesus Christ. Lahat ng bagay sa mundong ito ay maglalaho. Pero hindi ang salita at pag-ibig Niya. Pinalakas ng Diyos ang puso ko. He reminded me that when I am working, I should work for Him and not for men. Yun pala ang susi sa excellence na nagmumula sa Diyos.

Ito ay hindi para magmayabang kundi para mag-encourage sa kagaya kong walang tiwala sa sarili. Kaya mo yan! Kaya mo yan! Kaya mo yan! Diyos ang nagbibigay sa iyo ng kakayanan at kagalingan. Tested and proven na yun kaya wag ka nang mag-alinlangan pa. 


BELARUS. Isa pang nakakaaliw na nalaman ko mula sa pakikipag usap sa aking kliyente. Isa pala itong bansa. Hahahah! Mabuhay ang mga freelancers! Wuhooh!


Colossians 3:23
Whatever you do, work it with all your heart as working for the Lord, not for men.

Proverbs 3:3-4
Let love and faithfulness never leave you; bind them around your neck, write them on the tablet of your heart. Then you will win favor and a good name in the sight of God and man.


#GloryToGod
#DobleKayod
#TestimonyUploaded

0 comments:

Mag-post ng isang Komento