Biyernes, Agosto 14, 2015

Bukas na liham sa Diyos na walang hanggan


Ang Diyos ay dakila sa lahat ng panahon
Siya ang aking kalakasan at sandigan
Sa Kanya ay may kapahingahan
Tunay na pagibig sa Kanya lamang natagpuan

Mga salitang di kayang masabi
sa Diyos idudulog, sa panalangin
idaraan ang mga salitang nais kong malaman Mo.

Ang Diyos ay dakila sa lahat ng panahon
Siya ang aking kalakasan at sandigan
Sa Kanya ay may kapahingahan
Tunay na pagibig sa Kanya lamang natagpuan

Sa tuwina puso ko'y puno ng galit, takot at pangamba
Pag ibig mo'y parang alon sa dagat, makapagyarihan at malakas
Lahat ng nararamdaman ay pinawi ng agos
Kapayapaan ay aking naranasan

Ang Diyos ay dakila sa lahat ng panahon
Siya ang aking kalakasan at sandigan
Sa Kanya ay may kapahingahan
Tunay na pagibig sa Kanya lamang natagpuan

Balon sa puso'y tila walang hanggan
Punan man ng mundo ito ay kulang
Di sapat ang tao o kayamanan man
Ang sagot sa walang hanggan ay wala ring hanggan
Ang walang hanggang Diyos lamang
ang makakapagpunan sa walang hanggang butas ng puso.

Ang Diyos ay dakila sa lahat ng panahon
Siya ang aking kalakasan at sandigan
Sa Kanya ay may kapahingahan
Tunay na pagibig sa Kanya lamang natagpuan

Tuwina'y puno ng problema, mga pasakit ng mundong sira na
Nilamon ng kasalanan, nabubulok ang kalamnan
Dumulog sa Diyos at natapuan ang pag-asang may kalangitan
Buhay na walang hanggan kasama ang nagbuwis ng buhay para sa aking mga kasalanan

Bakit ang buti Mo? Sa lahat ng mamahalin Mo, ako pa ang napili Mo? Mula sa dilim ako'y binago Mo. Inilantad ang tunay kong pagkataong itinakda pa noong pasimula pa lamang ang lahat. Sa liwanag ay tinawag, binihisan at minahal ng lubusan. Di sapat ang buhay kong ito. Sa biyaya mo ako'y nabubuhay. Sa pag-ibig mo ako ay nabubuhay ng may dahilan. Sa katarungan mo ako ay nananahan. Sa mga salita mo ako ay kumikilos at sa panalangin ako'y humihinga.


Biyernes, Agosto 7, 2015