Miyerkules, Disyembre 23, 2015

Ang pasko ay hindi tungkol sa iyo

Pasko na. Ilang oras nalang magdi-diwang na ang bawat pinoy ng noche buena at kakain ng sama-sama. Ilang oras nalang sasalubungin ng sambayanang Pilipino ang pasko. Ilang oras nalang din maglilipana na ang mga batang namamasko at mga tao sa kalsada na nag-aabang ng masasakyang jeep para makabisita sa mga ninong at ninang o malalayong kamag-anak. Ilang oras nalang din magbabaha na ng "Merry Christmas", facebook post at tweets habang sasabog naman ang instagram at snapchat ng mga inihandang pagkain na parang food festival menu. Ilang oras nalang din maraming tao ang haharap sa mga smart phones at gadgets nila para mag celebrate ng Christmas sa social media world. At ilang oras nalang din ang iba ay matutulog lang at hihintaying matapos ang pasko gaya ng mga ordinaryong araw.


Ngayong taon kabilang ako sa mga nakisakay sa ideya ng komersyalismong pasko kung saan kailangan mag waldas ng yaman at makipagsiksikan sa mall habang sale para bumili ng mga bagong bagay at regalo. Kabilang din ako sa mga taong nagbibigay ng pulang sobre o ampao para sa maliliit at cute na chikiting. Bukas ay pasko na at kasama na rin ako sa mga tropa ng Ninong at Ninang na magtatago at staycation sa bahay. Wala akong balak lumabas at makita ang mga kamag-anak dahil taon taon ay ginagawa naman namin iyon. Wala akong gustong gawin liban sa manood ng sine at mag enjoy sa pelikula ni Jen Mercado #WalangForever. (pwera nalang kung may taong gustong sumama sa akin. Hehe. Pero mukhang wala talaga.) Connotation na din sa kulturang pinoy na idikit ang relationship sa pasko. Yung tipong malungkot ang pasko at mas malamig ito dahil single ang relationship status. Pero sa totoo lang alin man sa mga nabanggit ko ay bunga ng di malalim na pagkaunawa sa kahulugan ng pasko. Aminin nyo, at inaamin ko biktima tayong lahat. Maaring alam natin, pero hindi nagre-reflect sa ating mga buhay.

Na gets mo na siguro! Oo, alam kong alam mo ang sinasabi ko at may ideya ka na sa tinutumbok ko. Ang pasko ay hindi lang tungkol sa iyo, pamilya, relasyon, regalo, masarap na pagkain, heavy traffic, pamasko, ninong at ninang na nagtatago, facebook post, twitter, instagram, christmas songs, christmas party, reunion, vacation, holiday work, at mga pelikula sa mmff. Liban sa mga ito ang pasko ay tungkol ay Kristo. Yes, si Jesus nga. Siya ang sentro ng celebration na ito at nakakalungkot mag celebrate ng Pasko nang hindi Siya ang sentro.

Naalala ko tuloy ng isang spoken word video na nag viral noong nakaraang linggo. Tulad nya, ayoko na din magdiwang ng pasko nang HINDI SI JESUS ANG SENTRO. Ito yug video sa baba, panooorin mo. :)


1 komento:

  1. Enough said! Applause for you, dear. You never failed to explain things in a lighter tone. Kudos!

    Kisses,
    Kate x

    TumugonBurahin