Biyernes, Oktubre 14, 2016

Ang munti kong pangarap



Idealistic nga siguro ako. Para akong nananaginip ng gising habang nakikita sa aking isipan ang aking mga nais gawin. Nagsimula ito sa simpleng paghangad ng Canong DSLR. Nung college kasi ako gustong gusto ko makahawak ng malalaking camera. Dalawang taon na ang lumipas pagkatapos sa college, pero wala pa din akong DSLR. Afford naman kung tutuusin, hindi ko lang talaga magawang mag lustay ng malaking pera. Kaya humanap ako ng mga buy and sell at mga taong nag bebenta ng pre-loved DSLR. Pagkatapos ng mahabang panahon, kung kailan ako walang source of income, suntok sa buwan akong bibili ng DSLR gamit ang natitira kong ipon. Medyo ironic nga kung iisipin kasi kung kailan ka nawalan ng trabaho, tsaka mo gustong bumili ng mamahaling camera.

Mula doon, lumipad na ang isip ko. Binuksan ko ang computer at ang microsoft excel. Inilagay ang mga items na gusto ko pang mabili gaya ng mga lente ng camera, tripod, rail, microphone, extra computers at kaakibat ang target date kung kailan ko dapat itong mabili. Bakit ko ginawa ito? Dahil gusto kong mag umpisa ng paunti-unti. Una ay buhayin ang passion ko for photography and videography. Pangalawa, para maging businesss na din. Ito kasi hilig kahit nung high school palang ako. Nga pala, pangarap ko din kasi maging director. Greatest dream ko yun! Hehehe.

Tuloy tuloy ang pagpayagpag ng imahinasyon ko. Sabi kasi sa akin ni Daddy kaning umaga, bibigyan daw nya ako ng capital para mag negosyon. Naisip kong mag negosyo ng printing services malapit sa eskwelahan ng kapatid ko. Madami nang ganun diba? Oo, dito sa amin madami nga, pero kulang ang mga services. Hindi ko na sasabihin dito kasi baka may maunang magsabuhay ng ideya ko. Sayang naman kung hindi ako ang gagamit.

Isa sa mga challenges na nakikita ko para hindi mag succeed yung business ay lack of dedication ng may ari ng business. Kung kulang sa tao, madali naman maghanap. Balak kong mag hire ng working students lalo na yung mga self-supporting. Madami akong kakilalang ganyan. Kung may source of income nga lang ako eh, tutulungan ko silang makapag aral.

Mula sa printing services, gusto ko din bumuo ng isang organisasyon ng Small-Medium entrepreneur dito sa amin. May mga kooperatiba dito, pero iba pa din kasi kung may samahan kayong kinabibilangan. Isa pa, magandang makatulong sa komunidad. Kapag na empower ang local business, madami din pwedeng mabigyan ng trabaho. Bukod sa di na kailangan ng ibang bumyahe at lakbayin ang matinding traffic sa EDSA, mas malapit na ang opportunidad ng trabaho sa mga tahanan nila. More time with family diba. Idealistic nga ako masyado. Sana'y magkatotoo nga ang mga ito.

Pangarap kong mula sa isang Small-Medium type ng negosyo ay makapag tayo ng medium scale business. Ambisyosa ang lola mo, gusto ng sariling kumpanya. Lol. Eh kasi naman, ang hirap maging corporate slave forever. Ayoko naman na tumanda habang buhay para magtrabaho sa ibang tao. Kung may kakayahan naman akong gamitin lahat ng natutunan ko para gumawa ng sariling hanapbuhay, bakit hindi? 

Isa pa, bukod dito, nais ko ng business with a purpose. Oh ha, parang Miss Universe lang! Hahaha. Sang-ayon kasi ako sa social resposibility. Gusto ko mag suporta ng mga scholars at tulungan silang makatapos ng pag-aaral. Medyo heroic pakinggan, pero sa tala ng buhay ko, I wanted to give back the goodness I received to this people. Kasi naman, bine-bless po tayo ng Diyos, nawa'y maging tayo ang sagot sa panalangin ng iba. Our simple act of kindness will make a great impact to someone's life.

Isa sa mga gusto kong matupad na goal ko before 2016 ends, (meron akong blog tungkol dyan, click the lin nalang) ay feeding program. Dito kasi sa Bayan ng San Mateo ay may lugar na remote area. Ang tawag namin doon ay Mt. Mataba. Hindi madaling maabot yung lugar na yun, maraming komunidad ng bata doon. I challenged our young professinals sa church na mag laan ng money para sa project na yun. Ang purpose lang yan ibalik sa mga batang ito yung blessing namin sa buong taon.

Ang tansya ko sa project na ito ay makapag raise kami ng atleast Php 10,000. Yung Php 5,000 ay para sa pambili ng grocery na ibibigay namin sa mga pamilya doon. Yung another Php 5,000 ay para sa feeding program. Naniniwala akong kaya namin gawin iyon. Hindi kami mayayaman. Normal lang din kaming mamamayan at manggagawa. I personally want to pledge an amount of money for this project kaya naman nais ko na din makapag trabaho ako real soon. (kwento sa likod  ng aking pag re-resign, click here)

Ito ang munti kong pangarap. Ilapit ang tao kay Hesus at matulungan sila sa kanilang pangangailangan. Tayo ang din ang gagamitin ng Panginoon para maging pagpapala sa iba. :)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento